The Philippine Embassy in Kuwait informs the Filipino community that the Department of Foreign Affairs (DFA) is mounting its first repatriation for 2021 for Overseas Filipinos from Kuwait, tentatively scheduled in the first week of March 2021. The chartered Philippine Airlines flight to Kuwait is currently being arranged under the DFA’s Assistance to Nationals (ATN) Fund.
Overseas Filipinos WHO DO NOT HAVE A TRAVEL BAN or ARE VISA 14 HOLDERS may join the repatriation flight. Those interested are requested to send the following via email at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. on or before 8:00 a.m. on Monday, 1 March 2021:
- Full name and phone number (with WhatsApp)
- Photo of valid Philippine passport
- Photo of valid Civil ID
- For Visa 14 holders: Photo of the Visa 14 sticker on the passport
- For those with medical condition: Medical report or certificate, issued within the last three months
Overseas Filipinos with travel bans are requested not to take their chances by joining this repatriation flight.
________________________________
Ipinapaalam sa pamayanang Pilipino ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait na ikinakasa ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang unang pagpapauwi ngayong 2021 ng mga Overseas Filipino mula Kuwait, na pansamantalang nakaiskedyul sa unang linggo ng Marso 2021. Ang chartered flight ng Philippine Airlines ay kasalukuyang inaayos sa ilalim ng Assistance to Nationals (ATN) Fund ng DFA.
Ang mga Overseas Filipino NA WALANG TRAVEL BAN o MAY HAWAK NG VISA 14 ay maaaring sumali sa repatriation flight. Ang mga interesado ay pinapakiusapang ipadala ang mga sumusunod sa pamamagitan ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. bago mag-alas-otso ng umaga ngayong Lunes, 1 Marso 2021:
- Buong pangalan at numero ng telepono (na may WhatsApp)
- Litrato ng Philippine passport na may bisa pa
- Litrato ng Civil ID na may bisa pa
- Para sa mga may hawak ng Visa 14: Litrato ng Visa 14 sticker sa pasaporte
- Para sa mga may kondisyong medikal: Medical report o certificate, na inisyu sa nakalipas na tatlong buwan
Ang mga Overseas Filipino na may travel ban ay pinapakiusapang huwag nang magbaka-sakali na sumama sa repatriation flight.
State of Kuwait, 27 February 2021