1. Ano ang EARP?
Ang Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) ng Embahada ng Pilipinas at ng Kuwait Immigration ay naglalayong pauwiin ang mga Pilipino sa Kuwait na undocumented at distressed, sa tulong ng Assistance to Nationals (ATN) Fund ng Department of Foreign Affairs (DFA).
2. Sino ang puwedeng mag-apply?
Kwalipikado sa EARP ang mga:
- Undocumented OFW (expired visa o iqama, o wala nang pasaporte)
- Mga OFW na sinampahan ng amo ng kasong absconding o pagtakas sa Kuwait Immigration
- Mayroon nang Article 14 visa o temporary/exit visa mula sa Kuwait Immigration
Hindi kwalipikado sa EARP ang mga sinampahan ng travel ban dahil sa iba't-ibang dahilan, tulad ng pagkakautang.
3. Ano ang makikuha sa ilalim ng EARP?
Ang mga pasok sa EARP ay makatatanggap ng libreng lipad mula Kuwait hanggang Maynila.
4. Paano mag-apply?
Magpadala ng mensahe sa Viber sa numerong +965 9800 5115. Kung pupunta sa Embahada, magdalalang ng apat na passport-size photo (asul na background) at, kung meron, ng orihinal na pasaporte o Civil ID.
Mga Balita Ukol Sa EARP:
- PH Embassy In Kuwait's First Batch Of Mass Repatriates For 2020 Sends Home 32 Distressed OFWs, 12 March 2020
- 66 More OFWs. All Women, Fly Home Via The PH Embassy In Kuwait's Repatriation Program, 23 October 2019
- PH Embassy In Kuwait Repatriates 32 More Undocumented, Distressed OFWs, 6 October 2019
- More Than 300 OFWs In Kuwait Now Home Via The PH Embassy's Repatriation Program, 25 September 2019
- PH Embassy In Kuwait's Repatriation Program Continues With Biggest Batch of OFWs for 2019, 21 August 2019
- PH Embassy, Kuwaiti Government Repatriate 45 More Distressed OFWs from Kuwait, 11 July 2019
- Philippine Embassy Continues to Collaborate with Kuwait's Government To Repatriate More Overseas Filipinos, 14 April 2019