MENU

The Philippine Embassy in Kuwait requests Filipinos who are holders of Visa 14 (temporary or visit visa) and Visa 22 (family visa), who do not have airline tickets with them and are not able to leave Kuwait due to the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) lockdown, to visit the following Google Form link and answer the online survey form: http://bit.ly/KuwaitPESurveyVisa1422

Those who will take part in the said online survey are required to upload a clear photo of their Visa 14 or 22 on their passports or Civil ID. Deadline for the submission of responses is on Saturday, 25 April 2020, 11:59 P.M.

The information that will be gathered from the online survey will be used as a basis for the funding request for the possible repatriation of Visa 14 and 22 holders from Kuwait. The responses to the online survey will be kept confidential.

Filipinos who already have their air tickets with them but were unable to fly back to the Philippines due to the lockdown are informed that they should not answer the online survey. They are instead advised to contact their airlines or travel agencies to rebook their flights.

Since there are no final repatriation details yet, including the date of the repatriation, Filipinos who took part in the online survey are advised to follow the Embassy’s official website and social media accounts for future public advisories on the matter.

________________________________

 

Pinapakiusapan ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang mga Pilipinong may hawak ng Visa 14 (temporary o visit visa) at Visa 22 (family visa), na walang hawak na airline ticket at hindi makaalis ng Kuwait dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) lockdown, na bisitahin ang sumusunod na Google Form link at sagutin ang online survey form: http://bit.ly/KuwaitPESurveyVisa1422

Ang mga lalahok sa nasabing online survey ay kailangang mag-upload ng malinaw na litrato ng kanilang Visa 14 o 22 sa kanilang pasaporte o Civil ID. Ang deadline ng pagpasa ng mga tugon ay sa Sabado, 25 Abril 2020, 11:59 P.M.

Ang impormasyong malilikom mula sa online survey ay gagamitin bilang basehan para sa funding request para sa posibleng pagpapauwi ng mga may hawak ng Visa 14 at 22 mula Kuwait. Ang mga tugon sa online survey ay mananatiling confidential.

Ipinapaalam sa mga Pilipinong mayroon nang mga air ticket ngunit hindi nakabalik sa Pilipinas dahil sa lockdown na hindi nila dapat sagutin ang online survey. Bagkus, sila ay inaabisuhang makipag-ugnayan sa kanilang mga airline o travel agency upang i-rebook ang kanilang mga lipad.

Dahil wala pang pinal na mga detalye tungkol sa pagpapauwi, kasama ang petsa ng pagpapauwi, ang mga Pilipinong lumahok sa online survey ay pinapayuhang i-follow ang mga opisyal na website at social media account ng Embahada para sa mga kasunod na public advisory ukol sa paksang ito.

 

State of Kuwait, 22 April 2020

 

Visit the Philippine Embassy in Kuwait's Coronavirus Disease 2019 webpage for the latest updates and advisories on the COVID-19 situation in Kuwait: https://kuwaitpe.dfa.gov.ph/covid19