The Philippine Embassy reminds all Filipinos in Kuwait to stay at home, which has proven to be an effective way of stopping the spread of the Coronavirus Disease 2019. The Kuwait Police is strict in implementing the government’s “stay at home” policy.
The Embassy also advises Filipinos who recently returned to Kuwait from from the following countries and one territory to undergo the compulsory institutional quarantine at a location designated by the Ministry of Health: China, Egypt, France, Germany, Hong Kong, Iran, Iraq, Italy, South Korea, Spain, the United Kingdom, and the United States.
Those who recently returned to Kuwait from countries not mentioned above (including the Philippines) are advised to undergo a compulsory home quarantine for 14 days. Those are under home quarantine should register online by visiting this website via Google Chrome: https://hcarea.com/ (wait for the Google Translate prompt to translate the website to English).
________________________________
Ipinapaalala ng Embahada ng Pilipinas ang lahat ng Pilipino sa Kuwait na manatili sa kanya-kanyang tahanan, na napatunayang epektibo upang pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019. Ang Kuwait Police ay mahigpit sa pagpapatupad ng polisyang “stay at home” ng pamahalaan.
Inaabisuhan din ng Embahada ang mga Pilipinong kababalik lang sa Kuwait mula sa mga sumusunod na bansa at teritoryo na sumailalim sa sapilitang institutional quarantine sa lugar na itinakda ng Ministry of Health: China, Egypt, France, Germany, Hong Kong, Iran, Iraq, Italy, South Korea, Spain, United Kingdom, at United States.
Ang mga kababalik lang sa Kuwait mula sa mga bansang hindi nabanggit sa itaas (kasama ang Pilipinas) ay pinapayuhang sumailalim sa sapilitang home quarantine sa loob ng 14 na araw. Ang mga nasa ilalim ng home quarantine ay dapat magrehistro online sa pamamagitan ng pagpunta sa website na ito gamit ang Google Chrome: https://hcarea.com/ (hintayin ang Google Translate prompt upang maisalin ang website sa Ingles).
State of Kuwait, 19 March 2020
Visit the Philippine Embassy in Kuwait's Coronavirus Disease 2019 webpage for the latest updates and advisories on the COVID-19 situation in Kuwait: https://kuwaitpe.dfa.gov.ph/covid19