The Philippine Embassy in Kuwait informs the public that it will conduct thermal screenings prior to entry into the Embassy chancery beginning Wednesday, 11 March 2020, as a precautionary measure against the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Clients who have body temperatures of 37.5 degrees celsius or higher will be asked to return to the Embassy at a later date, and consult a doctor.
In addition, the public is informed that the following admission protocols will be observed starting 11 March 2020:
- Those who are showing some common symptoms of the COVID-19 such as sore throat, persistent coughing, common colds, and fever are requested not to apply for any of the Embassy’s services (e.g., passports, notarials, visas), unless it is very urgent.
- Those who have urgent transactions at the Embassy, and are experiencing sore throats, coughing and colds are required to wear face masks before entering the Embassy chancery.
- Only consular and Assistance to Nationals (ATN) applicants will be allowed entry into the Embassy premises. Clients are advised not to bring other people with them while applying at the Embassy.
The Embassy expects the full cooperation of the public in observing the above-mentioned measures to stop the spread of the COVID-19.
________________________________
Ipinapaalam ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait ang publiko na magsasagawa ng mga thermal screening bago makapasok sa chancery ng Embahada simula Miyerkules, 11 Marso 2020, bilang pag-iingat sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang mga kliyenteng may temperatura na 37.5 degrees celsius pataas ay papakiusapang bumalik ng Embahada sa ibang araw, at magpatingin sa doktor.
Dagdag pa rito, ipinapaalam sa publiko na ipatutupad ang mga sumusunod na patakaran sa pagpapapasok ng mga tao simula 11 Marso 2020:
- Ang mga nagpapakita ng ilan sa mga karaniwang sintomas ng COVID-19 tulad ng pangangati ng lalamunan, tuloy-tuloy na pag-uubo, pagsisipon, at lagnat ay pinapakiusapang huwag nang mag-apply para sa alinmang serbisyo ng Embahada (halimbawa: pasaporte, notarial, visa), maliban kung ito ay kailangang-kailangan.
- Ang mga may madaliang transaksyon sa Embahada, at nakararanas ng pangangati ng lalamunan, pag-uubo at pagsisipon ay kinakailangang magsuot ng mga face mask bago pumasok sa loob ng Embahada.
- Tanging mga aplikanteng konsular at Assistance to Nationals (ATN) ang papayagang pumasok sa loob ng Embahada. Ang mga kliyente ay inaabisuhang huwag nang magsama ng ibang tao habang nag-a-apply sa Embahada.
Inaasahan ng Embahada ang buong pakikipagtulungan ng publiko na susundin nito ang mga nabanggit na hakbang upang pigilan ang pagkalat ng COVID-19.
State of Kuwait, 10 March 2020
Visit the Philippine Embassy in Kuwait's Coronavirus Disease 2019 webpage for the latest updates and advisories on the COVID-19 situation in Kuwait: https://kuwaitpe.dfa.gov.ph/covid19