ADVISORY TO ALL FILIPINOS IN KUWAIT
In view of recent developments in the Middle East, Filipinos in Kuwait are assured that the Philippine government is prepared to repatriate any Filipino who may be affected or displaced by the ongoing crisis.
Affected Filipinos requesting repatriation or any other form of assistance may contact the Assistance to Nationals Unit (ATNU) of the Philippine Embassy in Kuwait through any of the following:
- Contact Numbers: +965 6500 2612, +965 9800 5115 (also available on Viber and WhatsApp)
- Social Media: facebook.com/PHinKuwait, twitter.com/PHinKuwait
Filipinos in Kuwait are advised to remain vigilant, exercise caution, and maintain situational awareness at all times.
ABISO SA LAHAT NG PILIPINO SA KUWAIT
Sa kabila ng mga kaganapan ngayon sa Gitnang Silangan, ang mga Pilipino sa Kuwait ay nakatitiyak na ang pamahalaan ng Pilipinas ay handang magpauwi ng sinumang Pilipino na maaapektuhan ng kasalukuyang krisis sa rehiyon.
Ang mga maaapektuhang Pilipino na hihiling para makauwi ng Pilipinas o hihingi ng iba pang uri ng tulong ay maaaring dumulog sa Assistance to Nationals Unit (ATNU) ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Mga Numero: +965 6500 2612, +965 9800 5115 (maaaring makipag-ugnayan sa Viber o WhatsApp)
- Social Media: facebook.com/PHinKuwait, twitter.com/PHinKuwait
Ang mga Pilipino sa Kuwait ay inaabisuhan na maging alerto, manatiling maingat, at maging mapagmatyag sa mga nangyayari sa paligid sa lahat ng pagkakataon.
State of Kuwait, 7 January 2020