Alinsunod sa Resolution No. 10986 na inilabas ng Commission on Elections (COMELEC) noong 24 April 2024, ang mga Pilipino sa bansang Kuwait na nagparehistro at na-aprubahan bilang mga active Overseas Voters (na siyang makikita sa Certified List of Overseas Voters o CLOV) ay boboto sa pamamagitan ng Online Voting/Internet Voting lamang.
Sa halip na mga papel na balota, ang mga rehistradong Overseas Voter sa Kuwait ay boboto gamit ang anumang cellphone, tablet, laptop o computer na may built-in camera. Mayroong dalawang hakbang sa online na pagboto o proseso ng pagboto sa internet:
1) Pre-Voting Enrollment: 23 Marso-07 Mayo 2025
2) Pagboto: 13 Abril-12 Mayo 2025
Magagawa ang pre-voting enrollment sa pamamagitan ng pag click ng link o QR code na makikita sa baba gamit ang inyong cellphone, tablet, laptop o computer na mayroong built-in camera.
Magagawa po ang pre-voting enrollment kahit anong oras at kahit nasaan man sa Kuwait ang Overseas Voter o botante sa loob ng nabanggit na panahon (23 Marso-07 Mayo 2025).
Dapat kumpletuhin ang pre-voting enrollment upang makapagpatuloy sa susunod na hakbang.
Ang link na matatanggap niyo sa inyong email or cellphone number sa pre-voting enrollment ang siyang gagamitin niyo upang makaboto gamit ang inyong cellphone, tablet, laptop or computer.
Ang pagboto ay magagawa rin sa kahit anong oras at kahit saan man sa Kuwait naroroon ang Overseas Voter o botante sa loob ng itinakdang panahon (13 Abril-12 Mayo 2025).
Dapat tandaan na hindi ninyo kailangan magpunta sa Embahada para maisagawa ang pre-voting enrollment at ang pagboto.
Upang tingnan kung ang pangalan niyo ay kasama sa Certified List of Overseas Voters (CLOV) para sa Kuwait, i-click ang sumusunod na link:
Para sa paglilinaw at iba pang kailangan na tulong, mangyaring tumawag sa Overseas Voter Hotline: 60439909, 60439085, 60439668.
Link para sa Pre-Voting Enrollment: https://https://ov.comelec.gov.ph/enroll

