MENU

EARP full small

 

1.    Ano ang EARP?

Ang Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) ng Embahada ng Pilipinas at ng Kuwait Immigration ay naglalayong pauwiin ang mga Pilipino sa Kuwait na undocumented at distressed, sa tulong ng Assistance to Nationals (ATN) Fund ng Department of Foreign Affairs (DFA). 

 

2.   Sino ang puwedeng mag-apply?

Kwalipikado sa EARP ang mga:

  • Undocumented OFW (expired visa o wala nang pasaporte)
  • Mga OFW na sinampahan ng amo ng kasong absconding sa Kuwait Immigration

 

3.    Ano ang makikuha sa ilalim ng EARP?

Ang mga pasok sa EARP ay makatatanggap ng:

  • Libreng international flight mula Kuwait hanggang Maynila
  • Libreng domestic flight mula Maynila pauwi sa malayong probinsiya sa Pilipinas
  • Ayudang pinansiyal mula sa DFA

 

4.    Paano mag-apply?

Magpadala ng mensahe sa Viber o WhatsApp sa +965 9800 5115.  Kung pupunta sa Embahada, magdalalang ng apat na passport-size photo (asul na background) at, kung meron, ng orihinal na pasaporte o Civil ID.

 

Mga Balita Ukol Sa EARP: